Off to India in 3 days…
Have not packed yet. Madami pa naman oras. Besides, hindi ko pa din alam kung ano ang dadalhin klase ng damit. Limited wardrobe na nga dahil lumobo na ako ng husto, ang dami pang considerations — nandyan ang sobrang init ngayon doon (37 degC), formal na medyo informal (dahil sa mga ministro lang naman ang ka-meeting), travel ng travel (dami na agad warning about sa trains). Worried sa pera.
First stop will be in New Delhi. Ang average rate ng overnight sa isang hotel aabutin ng 11,000++ Indian Rupees (in Phil pesos, almost 11,500++). Yung sa akin, 13,000++ may luxury tax, hindi kasama ang airport transfer and wala breakfast yan. Ang babayaran 14,625 Indian Rupees (that is, $345.67 or Php15,208.08)! Stopover lang yan. Wala pang 8 oras ko hihigaan ang kama. Kung pwede nga lang sa airport na lang.
14 days @ 7,250++ Indian Rupees (Php7540) per night. Yan ang dapat ko pa bayaran for the next leg of the travel. Hindi kasama ang food dyan. Hindi kasama ang land travel. Hindi kasama ang laundry. Walang wifi. Sana naman may libre coffee at tea. Sana din may matinong bottled drinking water.
Walang choice. Ganyan talaga kamahal sa India. Hindi uubra ang powers nina Benjie and Friends.
Sana maging express ang tulong galing sa sundalo ng America. Sobrang good luck and best wishes talaga to me.


Entries (RSS)